Incumbent at re-electionist senators, tiniyak ang maayos na legislative agenda

Tiniyak ng ilang mga mambabatas na pangungunahan nito ang isang legislative agenda na papabor sa kapakanan ng mga Pilipino.

Ayon kay Senador Bong Go, magpapatuloy ang kanilang maayos na trabaho sa Senado.

Aniya, makatitiyak ang publiko na higit na makikinabang sa mga iaakdang batas ng Mataas na Kapulungan ay ang mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Samantala, sinabi naman ni Majority Leader Migz Zubiri na pangungunahan nito ang pagbuo ng majority bloc.

Tiniyak ng reelectionist Senator na tutulungan nila ang susunod na administrasyon sa magiging mga pangunahing agenda nito at mga priority bills.

Aniya, makatitiyak ang bagong Gobyerno na magiging katuwang nito ang Senado para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Naniniwala naman si Senador Sonny Angara, ang patapos nang 18th Congress ay magiging isang magandang modela para sa incoming 19th Congress pagdating sa work ethic, productivity, at sa leadership.

Paliwanag ni Angara, kahit na iba-iba ang pinaniniwalaan at sinusuportahan ng outgoing Congress, marami pa rin itong mga nabalangkas na batas.
#