Comelec, ipinagpaliban sa susunod na linggo ang proklamasyon ng winning party-list groups

Ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng mga nanalong party-list sa 2022 national at local elections, dahil sa pending na results ng May 24 special elections sa Lanao del Sur.

Ayon sa National Board of Canvassers (NBOC), magbabalik ang kanilang canvassing ng party-list candidates sa May 25.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Una nito, itinakda ng poll body ang proklamasyon sa mga winning party-list groups sa May 19, pero dahil sa ideneklarang failure of elections sa Tubaran, Lanao del Sur, hindi ito matutuloy.

Batay sa datos ng Comelec, ang Tubaran ay mayroong 11,557 registered voters para sa 2022 national at local elections.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Ipinaliwanag naman ni Comelec Commissioner George Garcia na kailangan ang naturang postponement, dahil ang Lanao del Sur Provincial Board of Canvassers ay magta-transmit ng election results sa NBOC hating gabi ng May 25.

Sa ngayon, ang ACT-CIS at 1-Rider party-list groups ang nananatiling leading groups sa party-list race.