Pamamahagi ng cash incentives sa mga 85-99 years old sa Koronadal, sinimulan na

KORONADAL CITY- NAGSIMULA na ang pamamahagi ng insentibo ng city government ng Koronadal sa mga octogenarians at nanogenarians o yaong nasa edad na 85 hanggang 99 anyos.

Napag-alaman na house-to-house ang isinasagawang distribution ng insentibo ng city government sa mga senior citizens upang hindi na mahirapan ang mga ito sa pagpila.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ang releasing ng cash incentives ay pinangungunahan ng mga kawani ng City Social Welfare and Development Office at City Treasurer’s Office.

Ang mga may edad 85 hanggang 90 anyos ay makakatanggap ng tig P 10,000; P 15,000 sa mga 91-95 years old; at P 20,000 sa mga 96 hanggang 99 years old.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Narito ang schedule ng pay-out sa mga barangay: May 16 sa Topland, New Pangasinan, Paraiso, Sta.Cruz at San Isidro; May 17 sa San Jose, Rotonda, Saravia, Carpenterhill; May 18 sa Barangay Caloocan, Esperanza, Namnama, Zone III kag Zone IV; May 19 sa Sto.Niño, Zone I, Zone II, at Morales; at sa May 20 sa Barangay GPS.