Bicol University nilinaw ang tungkol sa hiling na”academic ease” matapos ang halalan 2022

LEGAZPI-Nilinaw ni Dr. Arnulfo Mascariñas, SUC President IV ng Bicol University, na hindi nila sinusuportahan bagkus desisyon umano ng bawat estudyante ang pagsama sa sinagawang rally matapos ang halalan 2022.

Ayon kay Mascariñas, nanawagan ang Student Council sa mga estudyante para sa “Academic Ease” para mabigyan umano ang ito ng panahon na makiisa sa sinagawang rally sa Penaranda Park matapos ang paglabas ng partial at unofficial result ng Comelec noong election.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Aniya, hindi nila sinuportahan ang pagdeklara ng academic ease at hindi hinihikayat ang mga estudaynte na sumama sa mga rally dahil una, maaaring maalangin ang seguridad ng mga estudyante, maprovoke ang mga otoridad at wala ring proteksyon ang unibersidad sa mga ito.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Nilinaw rin nito na noong 2017, nagbaba ang Commission on Higher Education ng order na sa bago makasama ang mga estudyante sa mga outside activities kailangan ng mga ito na magsumite ng mga requirements.

Nanindigan ang unibersidad na mananatili silang non-partisan sa kabila ng ibat-ibang sinusuportahan na politiko.