Mahigit sa 3k mga public utility jeepney mabibigyan ng fuel subsidy program mula sa National Government- LTFRB Bicol

LEGAZPI CITY- Kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Bicol na mayroong makukuha ang mga operator o owner ng Public Utility Jeepneys (PUJ) sa buong Bicol Region ng Fuel Subsidy mula sa National Government.

Ayon kay Atty. Raymund Paolo Calleja, Administrative Assistant II ng RPMO Fuel Subsidy ng nasabing tanggapan, maari ng makapagclaim ang mga PUJ ng kanilang fuel subsidy dahil ito pa lamang ang nabigyan ng pondo ng gobyerno rito Aabot din sa 3, 181 na mga yunit ng PUJ sa anim na lalawigan sa rehiyon ang mabibigyan ng fuel subsidy.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Nasa P6,500 ang laman ng bawat card fuel ang makukuha rin bawat benepisyaryo ng nabanggit na programa.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Layunin ng programa nito ay matulungan ang mga ito dahil sa patuloy ang pagtaas ng presyo ng Gasolina sa bansa.

Sinabi ng opisyal, sa oras na maubos ang fuel subsidy ay maghihintay ang mga ito ng 2nd phase ng program dahil sa nakalaan lamang ang programa ito ay sa unang phase.