CAMARINES NORTE- Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan nitong Lunes, May 16 ang ordinansang magpapatibay sa implementasyon ng Alternative Learning System (ALS) sa bayan ng Basud, Camarines Norte.
Layon ng naturang ordinansa na maisulong at mapaganda ang basic education, formal at non- formal lalo na ang mga out- of- school youth and adults gayundin ang mga underprivileged at disadvantage constituents.
Sa loob lang ng ilang minuto ay naaprubahan ang naturang ordinansa sa regular na sesyon makaraang magpahayag ng pagsang ayon ang mga miyembro ng konseho.
Sa ilalim nito ay nakalatag ang mga guidelines para sa establishment ng Local Literacy Coordinating Council sa munisipyo gayundin sa dalawamput siyam na barangay.
Iniuutos din ang pag appoint ng mga Barangay Literacy Workers (BLW) sa mga barangay at paglalaan ng pondo para sa honorarium nito.
Ang Alkalde ang tatayong Chairperson ng Local Literacy Coordinating Council at Co- Chairperson naman ang Bise Alkalde, Public Schools District Supervisor at PTA Federation President.
Ang Recruitment at Training ng mga Barangay Literacy Workers at ang pagtatayo ng Barangay Learning Center bilang ALS venue at support mechanism ay paglalaanan ng pondo.
Kukunin sa anumang available na pondo ng LGU sa pamamagitan ng Supplemental appropriation na i- authorize ng Sangguniang Bayan ang kakailanganing halaga para sa initial implementation ng ordinansa.
