Mag-asawa, patay sa aksidente sa Puerto Princesa

Patay ang mag-asawa na kinilala na sina Marcelino Saraos Dela Cruz at Lydia Billones Dela Cruz matapos na bumangga ang sasakyan na minamaneho na kanilang anak na si Jessie Billones Dela Cruz kahapon sa Bgy Sta lucia , Puerto Princesa City.

Batay sa ulat ng PNP , binabaybay ng nasabing sasakyan ang south national highway patungong Brookes Point, Palawan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Pagdating sa lugar ng aksidente, nakaramdam ng pagkahilo at inantok ang driver at napansin niyang tumatawid siya sa kabilang linya hanggang sa mag-overshot at nabangga sa puno sa tabi ng kalsada.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nagtamo ng malaking pinsala ang nasabing sasakyan dahil sa malakas na impact.

Dinala ang driver at mga pasahero sa ACE Medical Center para sa medikal na atensyon. Pagkaraan ng ilang minuto, ang ina at ama ng driver ay idineklara nang patay ng dumadating sa pagamutan.