Ligao City most wanted person sa kasong frustrated murder, arestado

LEGAZPI-Nahuli na rin ng mga awtoridad ang City most wanted person ng Ligao sa P1, Brgy. Culliat ng nasabing lungsod. Kinilala ang akusado na si Gilbert Ramos Pocua, 28 anyos, binata, grocery boy at residente ng  Purok 2 ng Barangay  Layon ng nabanggit na lungsod .

Read More:  Three workers found dead inside Dusit Thani Residence Davao

Ayon sa report , umaga ng puntahan ng mga pulisya ang kinaroroonan ng akusado upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado pa noong Mayo 3 2022 dahil sa kasong Frustrated Murder.

Read More:  Historic church bell stolen in Bohol, one suspect arrested

Aabot sa P200K ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ang akusado ay nasa kostudiya na ng ligao city police station para sa kaukulang disposisyon.