Presumptive VP Sara, planong gawin ang inagurasyon sa June 19 sa Davao City

Plano ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na gawin ang kanyang panunumpa bilang ika 15 bise presidente ng Pilipinas sa June 19 sa kanyang hometown sa Davao City.

Read More:  DMW: No deployment ban for OFWs bound for Saudi Arabia despite attacks

Ang pagsasagawa umano ng inagurasyon sa naturang araw ay magbibigay daan sa kanya na makadalo sa oath-taking ng kanyang running mate, na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.

Read More:  Palace defends Marcos’ bucket advice for El Niño preparation

Mababatid na sa June 30, magsisimula nang manungkulan ang mga bagong set ng lider.

Nilinaw naman nito, na petsa palang ang kanilang napili, at wala pang saktong planong dahil hinihintay pa nila ang pormal na proklamasyon.