China, umatras bilang 2023 football Asian Cup host dahil sa pandemya

Hindi na itutuloy ng China ang paghohost sa 2023 Asian Cup dahil sa coronavirus, sa gitna na ang mahigpit na zero-COVID strategy ng Beijing, ay nahaharap sa isa pang blow sa sporting ambitions ng naturang bansa.

Mababatid na isinusulong ng China ang istratehiya para tuluyan nang mawala ang virus, kabila na ang rapid lockdowns at mass testing, at ang milyon-milyong residente ng Shanghai ay nahaharap sa restrictions ng mahigit isang buwan na.

Read More:  NLEX one win away from semifinals after beating Phoenix in Game 2 of PBA Governors’ Cup

Samantala, ang Olympic-sized Asian Games, na gagawin sana sa September sa Hangzhou, ay ipinagpaliban narin.

Read More:  Alex Eala braces for third showdown against Alycia Parks in Hong Kong Open

Nag-abiso narin ang Chinese football officials sa governing body, na hindi sila makakapaghost sa 24-team competition, na gagawin sa 10 lungsod sa Hunyo at Hulyo sa susunod na taon.

Ang Asian Cup ay gnagawa kada apat na taon, kung saan ang Qatar ang nanalo sa last edition noong 2019.