Honorarium ng mga gurong nagsilbi sa eleksyon sa bayan ng Basud naibigay na ng Comelec nitong Biyernes

CAMARINES NORTE- Naibigay na ng Commission on Elections nitong Biyernes, May 13, ang honorarium ng mga gurong nagsilbi sa katatapos lang na May 9, 2022 National and Local Elections sa bayan ng Basud.

Pinangunahan ni Election Officer IV Virgilio Veras ang pmamahagi ng honorarium sa mismong opisina ng Comelec sa naturang bayan.

Una nang ipinangako ng opisyal na kung kinakailangang mag overtime ang Comelec ay kanila itong gagawin para maibigay na ang honorium ng mga gurong nagsilbi bilang electoral board.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Aniya, batid ng komisyon ang sakripisyo at pagod ng mga guro kaya marapat lamang na maibigay na ang dapat na para sa kanila.

Nasa 153 guro ang nagsilbi bilang Electoral Board sa katatapos lang na halalan sa naturang bayan.

Mababatid na bago pa man ang Halalan ay mayroon nang mga bayan sa lalawigan na naibigay ang honoriuam ng mga guro ayon sa Election Monitroing Task Force ng Department of Education.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Paliwanag ni Veras hindi agad- agad naimapamahagi  ang honorium dahil kinailangan pang tapusin ang mga isusumiteng reports na may kaugnayan sa katatapos lang na halalan.

Ngayong araw naman ng Sabado ay matatanggap na rin ng DESO at iba pang support staff ang kanilang honorarium.