434, 231 CamNorteños nakarehistro na sa PhilSys

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 434, 231 CamNorteños ang nakapagparehistro  sa step 2 registration ng Philippine Identification System o PhilSys simula noong Hunyo ng nakaraang taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA)  hanggang nitong Abril 30, 2022 ay karagdagang 41, 796 na indibidwal ang nairehisto.

Noong Abril ay nagsagawa ng PhilSys mobile registration sa Calaguas Group of Islands kung saan nasa 1, 026 ang nairehistro sa  Brgy. Mangcawayan, 1, 116 sa Pinagtigasan at 2, 515 sa Banocboc.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nasa 44, 298 naman na PhilSys ID ang nai turn- over sa Camarines Norte Philippine Postal Corporation na ipinamahagi naman sa clusters of Post Offices sa lalawigan.

Sa bilang na ito nasa 40, 661 CamNorteños ang nakatanggap na ng kanilang IDs habang 3, 634 ay nasa proseso pa ng pag deliver.

Nagpapatuloy naman ang saturation activity ng PSA sa pamamagitan ng mobile registration sa mga barangay ng Basud, Capalonga, Jose Panganiban, Mercedes, Paracale, San Lorenzo Ruiz at Vinzons.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nananatili namang operational ang LGU- based Registration Centers sa PSA Provincial Office sa Daet,  Capalonga, SM City Daet, Jose Panganiban, Labo, Paracale at Sta Elena.

Bukas ang mga ito Lunes hanggang Sabado mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.