Magbibigay ng incentive/assistance ang lokal na pamahalaan ng Balanga City, Bataan para sa mga residente ng lungsod magpapaturok ng 1st dose o kaya 1st booster shot na 18-taong gulang pataas kontra corona virus disease.
Ito ay para mapanatili ang mababang kaso ng covid-19 sa lungsod at maiwasang kumalat muli ang virus.
Ayon sa CHO, ang mga may edad 18 pataas lamang ang maaring mabigyan ng incentive/assistance na mababakunahan ng 1st dose o booster shots na sinimulan noong Mayo 12 na magtatagal ng hanggang ngayong araw, may 14.
Samantala, ito ay para sa mga magpapabakuna sa Waltermart-Balanga at sa mga Balanga City Health Centers ng San Jose, Pto Rivas Itaas, Cupang Proper, at Villa Lina.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO
