Asynchronous Classes ilang araw ipinatupad dahil sa emotional distress  dulot ng halalan sa isang Universidad sa Naga

NAGA CITY- Ipunatupad ang Asynchronous classes mula Mayo 10 hanggang kahapon Mayo 12 , pinalawig din ang araw ng  pasahan ng mga gawain sa paaralan hanggang sa Mayo 14 araw ng Sabado sa Ateneo De Naga University.

Ito ay para mawala o makarecover sa  emotional distress dulot ng umano ng halalan hindi raw kasi ito magandang timing para sa class activities gayung nabigla ang mga estudyante sa sistema at resulta ng eleksyon.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Sa panayam ng Brigada News FM Naga sa graduating student na si Yumsil Delfino sinabi nitong ambilis ng resulta samantalang may mga aberya sa vote counting machines at batid namang mabagal ang internet connection sa bansa.

Dagdag nito punong-puno na ng emosyon ang social media, nagpapalitan ng mga opinyon ang mga supporters ng mga kumandidato lalo na ang mga taga suporta ng  dalawang mahigpit na magkatunggaling  si VP Leni Robredo at Presumptive President Bongbong Marcos Jr.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Bukod pa rito marami rin ang naguguluhan sa mga mal-information o mga impormasyong pinapakalat para manira ng mga indibidwal.