PRRD, tiniyak ang smooth transition sa next admin

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging swabe at payapa ang pagpapalit ng liderato ng Republika ng Pilipinas.

Ayon kay Duterte, makasisiguro ang susunod na uupo sa puwesto na magkakaroon ng smooth transition ang kanyang administrasyon at ang magiging bagong gobyerno ng ika-17 pangulo ng Pilipinas.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Aniya, mapayapang maisasalin ang liderato ng bansa.

Pagtitiyak ng punong ehekutibo, masusunod ang mga itinatakda ng batas kabilang na ang panunumpa ng bagong pangulo sa ika-30 ng Hunyo.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Nakatakdang pormal na magsimula ang trabaho ng ika-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas sa June 30 – alas-dose ng tanghali.
#