Isang panalo nalang ang kailangan ng Golden State Warriors laban sa Memphis Grizzlies para muli itong makapasok sa NBA western conference finals.
Ito ay matapos masilat ng Golden State ang Memphis sa huling bahagi ng laro at angkinin ang Game 4 sa west semis, 101-98.

Abanse pa ang Grizzlies, 93-90 sa natitirang 1:11 ng laban nang biglang magpakawala ng 10-2 run ang GSW sa likod ng 32 points ni Steph Curry.
Samantala hindi naman nakapaglaro si Ja Morant matapos magtamo ng injury sa tuhod noong Game 3.
Nanguna sa panalo si Jaren Jackson Jr., na nagtala ng 21 points habang 19 points naman ang nai-ambag ni Tyus Jones.
Sa ibang laro, nasa 2-2 na ang standing sa serye ng Milwaukee Bucks at Boston Celtics.
Nakabawi ang Celtics sa Bucks sa Game 4 sa score na 116 – 108.