Apat na pisong oil price hike, naka-amba sa susunod na linggo

Matapos ang isang linggong pagpapatupad ng higit sa piso na rollback sa presyo ng produktong petrolyo, sa susunod na linggo naman ay asahan ang ‘big-time’ na umento sa oil prices.

Ayon sa oil industry sources, naglalaro sa P3.80 hanggang P4.00 ang umento sa kada litro ng diesel.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Samantala, P4.30 hanggang P4.50 naman ang posibleng itaas sa kada litro ng gasolina; habang P4.70 hanggang P4.90 sa kada litor ng kerosene.

Read More:  Palace says Marcos remains neutral in Romualdez case

Ang naturang oil price hike ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado, at ang epekto ng suplay ng krudo sa Russia.

#