79 na kandidato sa Sorsogon, mag-aagawan sa 28 na posisyon sa Mayo 9

SORSOGON CITY – May 79 na kandidato sa lalawigan ng Sorsogon ang naghain ng kanilang COCs o certificate of candidacy ngayong national at local elections, ayon ito sa talaan ng Sorsogon Prov’l Comelec.

Ang 79 na kandidatong ito ay mag-aagawan sa 28 na posisyon mula sa House of Representatives hanggang sa Konsehal ng lungsod.

Ang mga posisyon na ito ay ang mga sumusunod: dalawa sa House of Representatives, isa sa Gobernador at Bise-Gobernador, 10 sa miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, isang City Mayor at Vice-mayor at 12 City Councilors.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Sa House of Represenatives sa First District ay tatlo ang kandidato at at apat naman sa Second District.

Apat naman ang mag-aagawan sa  iisang puwesto para sa Gobernador at tatlo naman sa Bise-Gobernador.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa City Mayor ay tatlo ang kandidato at sa Vice-Mayor ay dalawa lamang.

May 24 na kandidato naman sa Sangguniang Panlalawigan ang mag-aagawan sa 10 puwesto lamang samantalang sa Sangguniang Panlungsod ay 36 ang kandidato at mag-aagawan sa 12 puwesto.

Sa kabuuang 79 na kandidato, 63  dito ay lalaki at 16 lamang ang babae.