76ers naka-isa na kontra Miami sa East semis

Naka-isa na rin sa wakas ang Philadelphia 76ers laban sa Miami Heat sa NBA Eastern Conference semi-final series.

Tinambakan ng Philly ang Heat sa Game 3, 99-79, kasabay ng pagbabalik sa laro ng 76ers big man na si Joel Embiid.

Read More:  PLDT downs Capital1 for first PVL win

Humakot si Embiid ng 18 points matapos itong hindi nakapaglaro sa Game 1 at 2 dahil sa injury sa mukha.

Read More:  Alex Eala dominates British wildcard Stojsavljevic, advances to Pan Pacific Open Round of 16

Nagpakawala naman ang beteranong si Danny Green ng pitong tres para tulungang ibaon ang Heat.

Samantala bagama’t uminit si Jimmy Butler sa kanyang 33 points, kinulang naman ito ng tulong sa scoring para sa Miami.