4 patay sa pagsabog ng dinamita sa Masbate

SORSOGON CITY – Natagpuan na lang ang mga bangkay ng apat na lalaki matapos na marinig ang isang malakas na pagsabog, hapon noong Huwebes sa Sitio Ipil, Brgy Buyo sa bayan ng Claveria, Masbate.

Kinilala ang mga labi ng biktima na sina Ryan Bonngot Maǹapao, 30-anyos, Eddie Lape Maloloy-on Jr, 20-anyos parehong naninirahan sa nasabing barangay.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang dalawa pang mga katawan ng biktima ay nakilalang sina

Jonathan Albao Lape, 41-anyos at Roque Yuson Mar Guazon, 19-anyos, parehong residente ng  Sitio Ka-putol, Brgy Pasig ng nasabing bayan.

Ayon sa naantalang report mula sa Claveria Police, lumabas sa kanilang imbestigasyon na nasa proseso umano ang mga biktima ng paggawa ng dinamita dahil sa mga presensiya ng ammonium nitrate o ‘abono’ at mga blasting caps sa loob ng bahay ni Maloloy-on Jr.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kung babalikan, noong Hunyo ng nakaraang taon, apat na katao ang nasawi kabilang ang Brgy Chairwoman at 7 indibidwal ang sugatan sa pagsabog din ng dinamita sa Brgy Pajo sa bayan ng Balud, Masbate.