PPCRV volunteers handa na para sa Halalan 2022

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang kanilang kahandaang magbantay sa Halalan 2022.

Kahapon, sumabak na ang kanilang mga volunteers sa election duty sa ginawang Final Testing ad Sealing ng mga Vote Counting Machine sa iba’t- ibang bayan.

Nag- deploy ang accredited citizen armed ng Comelec ng kanilang mga tauhan upang saksihan ito.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Una nang inihayag ni Mariz Bernardo, Diocesan Lay Coordinator ng PPCRV sa Diocese of Daet na halos lahat ng parokya ay mayroon nang sapat na bilang ng mga volunteers.

Mayroong aabot sa mahigit kumulang 500 volunteers ang PPCRV sa buong probinsiya na magbabantay sa halalan.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Sa mismong araw ng eleksyon  ay maglalagay ng Voters Assistance Desk ang PPCRV sa mga voting center para mag-  assist sa mga botante lalo na ang mga hindi pa alam kung saang presinto boboto.

Ayon naman kay PPCRV legal counsel at Spokesman Atty. Van dela Cruz sa ngayon patuloy ang kanilang deployment at activation ng nasa 500,000 volunteers sa buong bansa.