CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Commission on Elections na maibibigay sa mga pollworkers lalo na sa mga gurong magsisilbing Electoral Board ang mga supply na kanilang kakailanganin bago ang araw ng halalan.
Ayon kay Basud, Camarines Norte Election Officer IV Virgilio Veras mayroon silang ibibigay na budget para sa anti- covid supplies upang mabili lalo na ng mga guro ang kanilang kailangan.
Mayroon din umanong nakalaang supply ng alcohol na gagamitin sa mga voting centers na para naman sa mga botante.
“Yung sa mga poll workers naman ang ibibigay dun ng Comelec in the form ng parang budget allowance, cash yun na intended para makabili sila ng kanilang anti covid supplies sa araw ng election.”
Mababatid na isa sa mga concern ng mga guro sa naturang bayan na magsisilbi sa election ay ang health essential supplies.
Tungkol naman sa honorarium at allowance ay wala pa umanong nakakarating sa kanilang tanggapan.
Nangako si Veras na agad itong ipamahagi sa mga guro kapag ito ay dumating na.
“Sa ngayon ay wala pa, ang sa amin naman dito sa aming lokal na tangagpan kapag kami ay naisyuhan ng cash advance kung anong purpose nito partikular sa mga honoraria na ng ating mga poll workers lalo na yung mga guro na magsisilbi ay atin itong kaagad na binibigay sa kanila.”
