Ipag-uutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tuluyang paghihinto sa operasyon ng online sabong.
Sa taped Talk to the People ng Pangulo, sinabi nitong matapos ang rekumendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año ay lalagdaan na nito ang order para sa closure nito.
Aniya, nagsagawa ng survey si Año para sa social impact ng e-sabong at napagalamang malaki ang epekto nito sa mga Pilipino.
Taliwas daw kasi ito sa values ng mga Pilipino, at malaki ang naging impact sa mga pamilya ng mga nalulong sa sugal na ito.
Napag-alaman din aniyang hindi na natutulog ang mga sabungero dahil sa 24/7 na operasyon ng mga online talkpakan.

Sa huli, inamin ni Duterte na buwis lang ang habol nila sa operasyon ng online sabong.
Tinatayang aabot aniya sa P640Million ang kinikita rito ng Gobyerno.
Hindi naman na nabanggit ng Pangulo kung saan kukuhain ang pondong mawawala sa closure ng e-sabong.
#