Designer ng National Costume ni Miss Albay planong magsagawa ng ‘public viewing’ sa lalawigan ng Albay

LEGAZPI – Trending ngayon sa social media ang National Costume ni Miss Albay sa ginawang Miss Universe  Philippines  2022.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Erjohn Dela Serna ang designer at costume designer ng National Costume ni Miss Albay Julia Calleja Saubier sa ginawang Miss Universe Philippines 2022 yari sa  ‘tanikala’ ang costume ni Miss Albay at ito daw ang gustong-gusto ni Sauber na disenyo.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Aniya, Strong personality ang pagkatao ni Sauber at inihalintulad ang sombrero ni Sauber sa hugis ni Mayon. Mahilig umano si Sauber sa sports na Archery.

Tubong Cabanatuan City ang designer na si Dela Serna at maliban kay Sauber siya rin ang gumawa ng national costume ni Miss Baguio.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Samantala, plano ni Dela Serna na magkaroon ng ‘public viewing’ sa lalawigan ng Albay ang gawa nitong national costume kay Sauber upang ipakita ang desinyo nito na ‘inspired by Mayon’