Granada, nahukay sa Sto. Tomas, Batangas

Natagpuan ang isang granada habang naghuhukay ang isang construction worker sa pagtatayuan ng bahay sa Barangay San Pedro, Sto. Tomas City, Batangas kahapon ng Lunes, Mayo 2, 2022.   

Ayon sa construction worker na si Garry Carandang, 40 anyos, tumambad sa kanya ang granada habang naghuhukay.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa imbestigasyon ng Sto. Tomas City Police Station, bandang 7:20 ng umaga ng ng matagpuaan ng nasabing construction worker ang granada habang naghuhukay ng lupa para sa pagtatayuan ng bahay na pagmamay-ari ng isang negosyante na residente ng Barangay San Pedro, Sto. Tomas City, Batangas.     

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Maswerte umanong hindi sumabog ang granada.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng Batangas Explosive Ordnance Disposal (EOD) ang naturang granada para sa proper disposition nito.