Former rebel, patay sa pamamaril ng dating kasamahan; sibilyan sugatan

SORSOGON CITY – Patay sa kamay ng dating kasamahan na New People’s Army (NPA) ang isang sumurender na rebelde matapos itong pagbabarilin sa likuran ng kanilang bahay sa Brgy San Pascual, Casiguran, Sorsogon habang natamaan naman ng ligaw na bala ang isang sibilyan.

‘Dead on the spot’ si Nestor Hubilla Sarmiento, 28-anyos, may asawa, construction worker at naninirahan sa nasabing barangay habang natamaan naman ng ligaw na bala sa kaliwang paa ang 17-anyos na babae na agad namang naisugod sa ospital.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Una rito, masayang nakikipag-inuman umano sa kanyang mga kaibigan ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng tatlong lalaki na armado ng maiikling baril.

Narekober ng mga imbestigador sa crime scene ang 16 na bala kung saan 5 dito ang basyo, 5 ang tingga, 5 ang misfired at isa ang unfired bullet mula sa kalibre 45 na pistola.

Gayundin ang 16 na bala mula sa 9mm na baril kung saan ang 9 dito ay basyo, 5 ang tingga, isa ang misfired at isa ang unfired.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Bunsod nito, nagpaalala ang Phil Army sa kanilang mga former rebels (FRs) na huwag magpakampante dahil ang dati nilang mga kasamahan ay mga traydor at naghahanap lamang ng pagkakataon para sila ay gantihan.

Ganito rin ang nangyari sa dating squad lider ng nasabing hukbo na si Elvin Alzaga na pinagbabaril din nang dumayo ng pakikipag-inuman sa Brgy Guinlajon, Sorsogon City noong Biyernes Santo.