1 patay 1 sugatan sa banggaan ng motorsiklo at van sa Puerto Princesa

Isa ang patay at isa ang sugatan sa nangyaring aksidente sa motorsiklo at shuttle van sa harap ng Provincial Police Office sa South National Highway, Brgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City ganap na 9:25 kagabi, May 1, 2022.

Ayon sa Puerto Princesa City Police Office, ang nasawing driver ng motorsiklo ay si Peter Son Urbano De Vera, 24, truck helper na residente ng Roxas, Palawan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Kinilala ng pulisya ang backride nito na si RAFAEL NOLASCO LAGROSA, 40 anyos, truck helper habang kinilala ang driver ng van na si JEFFREY ABAD CAMPUID, 27.

Lumabas sa imbestigasyon na ang motorsiklo ay papunta ng south national highway at nang marating nila ang harap ng PPO ay doon sila nabangga ng van na nagmula sa kabilang direksyon matapos umanong kainin ang linya ng motorsiklo.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sa lakas ng pagbangga ay agad na namatay ang driver ng motorsiklo habang ang angkas nito ay nawalan ng malay bago dinala sa pagamutan.