Hepe ng Ligao MPS sa Albay, muling nanguna sa individual commander’s evaluation meeting ng Albay PPO

BNFM BICOL–  Sa ikalawang pagkakataon ay muling nanguna ang hepe ng Ligao MPS sa lalawigan ng Albay sa kakatapos lamang na Individual Commander’s Evaluation Meeting.

Sa isang panayam, sinabi ni PLtCol. Aldwin Gamboa – Chief of Police ng Ligao MPS, na ang kanyang pagiging numero uno sa naturang ebalwasyon ay dahil na rin aniya sa pagsusumikap ng kanilang kapulisan na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lugar.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon
Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Binigyang diin din nito na ang kaakibat ng kanilang magandang record sa Albay PPO ang maayos na pamamahala at ang mabilis na aksyon sa pag resolba ng kaso ng kanilang himpilan sa mga insidente ng krimen at kaguluhan sa lungsod.###