SORSOGON CITY – Pinasinayaan na ang bagong Lawn Tennis Center sa lungsod ng Sorsogon na matatagpuan sa Brgy. Guinlajon, West District, Sorsogon City.
Ang nasabing pasilidad na binubuo ng dalawang indoor at tatlong outdoor court ay isa sa mga proyektong imprastraktura ng Provincial Government bilang paghahanda sa posibleng pagdaraos ng Palarong Pambansa sa lalawigan.
Bukod pa rito, bukas din ang edipisyo sa lahat ng mga Sorsoganong mahilig sa nasabing sports.
Una rito, ang aktibidad ng pagpapasinaya ay pinangunahan ni Gov Francis ‘Chiz’ Escudero kasama sina SDS Jose Doncillo ng DepEd Province, DPWH 1st District Engineering Office, at iba pang mga opisyal.
