COMELEC, umaasang maisabatas ang tax exemption sa honoraria

Umapela ang Commission on Elections sa susunod na Kongreso na sana raw ay magkaroon na ng batas para sa tuluyan nang ma-exempt sa buwis ang honoraria ng mga gurong magsisilbi bilang electoral boards.

Sa isang panayam, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na umaasa sila sa susunod na administrasyon at sa susunod na batch ng mga mambabatas ay mayroong maghahain ng panukala para rito.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Giit ni Garcia, suportado nila ang mga guro at nakikisimpatya sila sa panawagang ‘wag nang buwisan ang kanilang allowance.

Maaalalang dinagdagan na ngayong taon ang honoraria ng mga teachers, ngunit ito lamang ay mapupunta sa buwis.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Muli rin nitong nabanggit na makailang beses na silang humiling sa Bureau of Internal Revenue na bigan ng tax exemption ang honoraria ng mga teachers.

Matatandaang una nang pumalag ang Finance Department sa hiling na exemption sapagkat baka raw humirit na rin ang iba pang sektor na hindi na sila mabuwisan.
#