SORSOGON CITY – Naresolba ng Dept of Labor and Employment-Bicol ang P66, 310.00 halaga ng labor case settlement para sa tinatayang nasa limang manggagawa sa lalawigan ng Masbate sa pamamagitan ng mandatory mediation scheme na tinatawag na Single Entry Approach o SEnA.
Ayon kay DOLE Regl Director Ma. Zenaida Angara-Campita, ang nasabing halaga ay naibigay na sa mga nagreklamo para sa serbisyo na kanilang naibigay na sa kompanya.
Pinuri nito ang kooperasyon ng nagrereklamong mga empleyado at ang employer na inirereklamo dahil ang kaso ay humantong sa agarang pag-areglo at pagbabayad ng monetary claims.

Bunsod nito, hinikayat ng opisyal ang iba pang balisang manggagawa na magsampa ng reklamo sa pamamagitan ng SEnA upang mapadali ang anumang amicable settlement.
Ang SEnA ay isang administrative approach na nagbibigay ng mabilis, impartial, inexpensive at accessible settlement procedure para sa lahat ng isyu at reklamo sa pagitan ng employer-employee relation upang hindi na ito mauwi pa sa pagsasampa ng malaking kaso.