Smartmatic hackers, walang kakayahang mang hokus pokues ng May 9 polls – Anti-Cybercrime Group

Nilinaw ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC na wala namang kakahayan ang tatlong na-arestong mga hacker na manipulahin ang resulta ng nalalapit na halalan.

Martes nang kinumpirma ni CICC exec. dir. Usec. Cesar Mancao ang pagkakahuli sa tatlong alleged hackers na ‘di umano’y nagbanta sa Smartmatic at Comelec na ile-leak ang nasa 60Gb na data mula sa poll body.

Paliwanag ni Mancao, hindi na kaya pa ng tatlong mga hacker na ito na i-hokus pokus ang bilang ng mga boto lalo na’t ang na-penetrate lang ng mga ito ay ang data hanggang sa Comelec preperations lamang.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Wika nito, malabong ma-kompromiso ang resulta ng eleksyo lalo na’t marami pang layers ng protection ang Comelec system.

Aniya, kargado ang Comelec ng patong-patong na seguridad gaya ng encryptions, passcodes, at firewalls para hindi basta-basta makokompromiso ang data nito.

Samantala, sa isang panayam ay tumanggi na munang kumpirmahin ni Mancao kung mayroon nga bang indibidwal, o pulitiko na nasa likod ng hacking.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Magkakaalaman na lang umano kung mayroon bang nag-utos ng pangha-hack sa 2022 elections sa pagsisiwalat nila sa Korte.

Matatandaang na-aresto ng mga operatiba ng CICC ang tatlong miyembro ng ‘XSOS group’ na ‘di umano’y responsable sa pagha-hack ng ilang election-related data mula sa Comelec.

Una nang kinlala ang mga ito na sina Joel Ilagan, alyas ‘Borger’; Adrian Martinez, alyas ‘Admin X’; at, Jeffrey Limpiado na may mga alyas na ‘Brake’, ‘Vanguard’, ‘Universa’ at ‘LRR’.
#