Umapela si National Vaccination Czar Carlito Galvez Jr. sa Health Technology Assessment Council na madaliin na ang pagsasapinal nito ng guidelines para sa pagtuturok ng 4th dose ng bakuna sa mga healthcare workers, senior citizens, at iba pang vulnerable sectors.
Sa taped press briefing ng IATF kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, nanawagan si Galvez sa HTAC na isapinal na ang pag-administer ng 2nd booster shot sa iba pang sektor maliban sa mga immunocompromised.
Ito aniya ay para mapaghandaan ang inaasahang surge o ang muling paglobo ng mga COVID-19 cases sa bansa.
Maliban pa rito, inirekumenda rin nila na isama na sa priority ng 4th dose jab ang mga seafarers, at iba pang mga overaseas Filipino workers.

Ayon kay Galvez, kinakailangan na ring mabakunahanng 4th dose ang mga OFWs sapagkat isa na ito sa requirements ng mga overseas employers.
Sa katunayan, sa Qatar at sa UAE ay nahihirapan na ang deployment ng ating mga kababayan dahil wala pa silang 4th dose ng bakuna.
#