Bangkay ng lalaki, natagpuan sa gilid ng daan sa San Pascual, Batangas

Inaalam na ngayon ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng bangkay ng isang lalaking natagpuan sa gilid ng New Diversion Road, Brgy. Banaba, San Pascual, Batangas kahapon ng umaga.

Ayon sa San Pascual Municipal Police Office, natagpuan ito ng isang dump truck driver na kukuha lamang sana ng mga materyales sa gilid ng daan.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Nadiskubre nito ang bangkay ng lalaki na may katabing kumot na kulay blue stripe.

Batay sa report ng mga awtoridad, ang biktima ay may suot na navy blue shirt, itim na short, maputi ang kutis at 5”6 ang taas.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

May nakitang sugat sa leeg at injury sa ulo ang biktima.

Ni-rereview na ng mga awtoridad ang kuha ng mga CCTV sa mga establisyimento na malapit sa area.