COMELEC-Catanduanes, nagsagawa ng ‘joint security coordination meeting’ bilang bahagi ng paghahanda sa eleksyon

BNFM BICOL– Pinangunahan ng COMELEC-Catanduanes ang isinagawang 4th Provincial Joint Security Control Center Coordination Meeting sa islang lalawigan nitong nakaraang linggo, na dinaluhan ng iba’t-ibang grupo at ahensya ng gobyerno na magbibigay ng serbisyo sa darating na Halalan.

Presente sa naturang pagtitipon ang mga kawani ng COMELEC, PNP, Philippine Army, Philippine Coast Guard at ilang mga representatives mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno katulad ng PIA, DOH, Dep-Ed, DILG, Provincial Treasurers Office, FICELCO at DPWH.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ilan sa mga tinalakay sa naturang pagpupulong ang hinggil sa preparasyon sa ligtas na pagdeliver ng mga Vote Counting Machines sa mga election offices; seguridad sa pag deliver ng mga VCM sa mga presinto; Final Testing and Sealing at marami pang iba.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Matatandaan na una nang inihayag ng COMELEC-Catanduanes na mayroon na silang contingency plan, sakaling magkaroon ng aberya sa mismong araw ng Halalan.###