Health care worker, nagpositibo sa Covid-19

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Sorsogon Provincial Health Office (PHO) na isang health care worker (HCW) mula sa lungsod ng Sorsogon ang pinakabagong naiulat na nagpositibo sa Covid-19 kahapon, Abril 21.

Ang 59-anyos na babaeng HCW ay mula sa Barangay Gatbo sa distrito ng Bacon, Sorsogon City.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Itinuturing itong ika- 8,339 na kaso sa buong lalawigan.

Nakapagtala naman ng isang recovery kung saan ang pasyente ay mula sa bayan ng Castilla.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Samantala, nanatili sa isa ang aktibong kaso sa buong lalawigan habang 240 naman ang nagnegatibo sa swab test.