Nahaharap sa posibleng asunto ang legendary boxer na si Mike Tyson matapos nitong manapak ng isang pasahero habang sakay ng isang eroplano papuntang San Francisco.
Maaari umanong makasuhan ng felony battery charges ang dating heavy weight champ dahil sa insidente.
Read More: Alex Eala beats Tereza Valentova in close match, advances to Hong Kong Open quarterfinals

Sa unang bahagi ng footage ay makikitang tila nakainum ang biktima at kinakausap si Tyson mula sa likod.
Ayon sa ulat, ipinagpatuloy ng lalaki ang pang-iinis kay Tyson matapos nitong sabihin sa kanya na “chill.”
Kinumpirma ng kinatawan ni Tyson sa TMZ Sports na hindi lamang ginigipit ng lalaki ang boksingero ngunit binato rin siya ng bote ng tubig bago ang insidente.