France, hinimok ang Russia na huwag sumama sa G20 meetings

Hinimok ni French Finance Minister Bruno Le Maire ang Russian counterpart na huwag makilahok sa Group of 20 (G20) economic powers meeting kabilang ang mga finance ministers.

Ayon kay Le Maire, hindi naaayon sa international cooperation ang kasalukuyang digmaan sa Ukraine na kinasasangkutan ng Russia.

Read More:  BAN Toxics urges removal of unauthorized squishy toys over potential health risks

Sinabi ng Finance Minister na nag-demand na sila sa Russia na itigil na ang nangyayaring military action na ginagawa nila sa Ukraine.

Read More:  Malacañang urges Sen. Bato Dela Rosa to surrender

Samantala, ibinahagi naman ang naturang panawagan sa ilang miyembro ng G7 finance ministers.

|| ARGIE ERGINA