DOH, pinahuyan ang mga Holy Week bakasyunistas na i-monitor ang sarili kung may sintomas ng COVID-19

Inirekumenda ng Department of Health sa mga nagbakasyon noong Holy Week, o ‘di kaya ay yung mga pumunta sa mga matataong lugar, na i-monitor ang kanilang mga sarili para sa mga sintomas ng COVID-19.

Sa isang panyam, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hanggat maaari ay magsuot pa ang mga ito ng face mask.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Paliwanag ng Health official, maiging i-monitor pa rin ang sarili sa loob ng isang linggo kung mayroon man itong made-develop na COVID-19 symptoms.

Ikinabahala nito ang over-crowded na mga tourist spots kung saan karamihan sa mga bakasyunista ay hindi na naka-facemask.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Aniya, posible raw itong maging daan para makapaghawa-hawa ng virus.

Muli rin namang iginiit ni Vergeire na dapat daw mapanagot ang ilang mga concerned agencies o LGUs sa Boracay matapos lumagpas ang carrying capacity nito.
#