2 sundalo sa 2010 Benjamin Bayles slay, hinatulan ng reclusion perpetua

Hinatulan ng guilty ng Bacolod Regional Trial Court ang dalawang sundalo ng Philippine Army kaugnay sa kaso na pagpatay sa aktibistang si Benjamin Bayles noong 2010 .

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Dahil dito, mahaharap sa reclusion perpetua o 20 hanggang 40 pagkakakulong sina Rafael Cordova alias Rogen Bajon at Reygine Laus alias Ronnie Caurino.

Sa 33-pahinang desisyon ni Judge Ana Celeste Bernad, na batay sa testimonial at documentary evidence, nabuo ng prosekusyon ang pagiging guilty ng mga akusado.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Dagdag pa dito, gumamit umano ang mga suspak ng hindi lisensyadong armas sa pagpatay kay Bayles. //MHEL PACIA-TRINIDAD