SIM Card Registration bill author, ipinangakong ihahain uli ang panukala matapos ma-veto

Tiniyak ni Senador Win Gatchalian na ihahain nitong muli ang Sim Card Registration Bill o ang panukalang naglalayong magkaroon ng mandatory registration ng mga mobile phone numbers.

Ito ay makaraang i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naratipikahang ‘Act Requiring The Registration of All Users of Pre-Paid SIM Cards’.

Sa pahayag ng Palasyo, hindi umano inaprubahan ng Pangulo ang panukala dahil kinakailangan pa ito ng mas masusing pag-aaral.

Read More:  Marcos details government preparations for Undas travel surge

Tugon dito ni Gatchalian, masyado na raw naaabuso ang ‘anonimity’ o ang hindi pagkakakilanlan ng mga mobile numbers pagdating sa kriminalidad.

Aniya, makatutulong ang registration ng mga sim cards sa pagtunton ng law enforcers sa mga nasa likod ng mga krimeng gumagamit ng anonymous numbers.

Read More:  8 Cebu PUV personnel test positive in surprise drug test

Ayon sa mambabatas, mahalaga raw na maaprubahan ang kanyang panukala nang sa gayon ay maiwasan na ang mga scam at digital crimes – pati na rin maibalik ang tiwala ng publiko sa paggamit ng kanilang mga mobile phone sa kanilang digital transactions.

#