EJ Obiena, flag bearer ng Team PH sa Vietnam SEA Games

Magiging flag bearer ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena sa tradisyunal na parade of nations sa May 12 opening ceremony ng 31st Southeast Asian Games sa My Dinh National Stadium sa Hanoi.

Read More:  JRU Heavy Bombers dominate Mapua, notch second win in NCAA Season 102

Si Obiena ay nominated kasama si weightlifter Hidilyn Diaz bilang flag bearers, pero pinapayagan lang ng SEAG organizers ang isang kinatawan para sa mga seremonya.

Ayon kay Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino, tulad ni Hidilyn, kwalipikado rin si EJ na maging flag bearer.

Read More:  Alex Eala braces for third showdown against Alycia Parks in Hong Kong Open

Samantala, pinasalamatan naman ni Obiena ang POC sa pagbibigay sa kanya ng karangalan para iwagayway ang bandila ng Pilipinas. //MHEL PACIA-TRINIDAD