Ilang LGUs, nag-abiso ng walang pasok ngayong araw re: AgatonPH

Nag-anunsiyo ang ilang lokal na pamahalaan unit ng suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa kanilang lugar ngayong Lunes, Abril 11, dahil sa inaasahang sama ng panahong dala ng Bagyong Agaton.

Read More:  Philippine peso hits historic ₱64 per dollar

Kabilang dito ang mga sumusunod na lugar ay ang Cebu City; Cebu province; Danao City, Cebu; Maasin City; Naval, Biliran; Southern Leyte province; at Tacloban City.

Suspendido naman ang klase para lamang sa lahat ng elementary at high school sa Lapu-Lapu City at Ormoc City

Read More:  Palace clarifies Marcos administration’s super El Niño response goes beyond buckets

Samantala, wala ring pasok ang mga pribado at pampublikong opisina sa Cebu City; Danao City; Naval, Biliran; Southern Leyte province; at Tacloban City.