Floyd Mayweather, balik-ring para sa exhibition fight

Muling sasabak si dating five-division world champion Floyd Mayweather Jr. para sa isa pang eight-round exhibition fight.

Makakaharap ni Floyd si “Dangerous” Don Moore (18-0 record 12 KOs) sa May 14 na gaganapin sa Burj Al Arab Hotel helipad.

Read More:  Alex Eala dominates British wildcard Stojsavljevic, advances to Pan Pacific Open Round of 16

Matatandaan na unang bumalik mula sa pagreretiro si Floyd noong 2017 nang harapin nito sa exhibition fight ang MMA superstar na si Conor McGregor.

Read More:  Alex Eala set for Diana Shnaider rematch in Pan Pacific Open quarterfinals

Maliban dito, noong nakaraang taon, lumaban din si Floyd sa exhibition fight kontra sa Youtuber na si Logan Paul, kung saan nanalo ito sa naturang dalawang laban, at napanatiling malinis ang kaniyang 50-0 record na may 27 knockouts.