Modules na may negatibong paglalarawan kay Robredo ni-recall — DepEd

Tinanggal na mula sa online portal ng Department of Education ang self-learning module na naglalaman ng negatibong pagsasalarawan kay Vice President Leni Robredo, matapos itong umani ng mga batikos sa social media.

Kaugnay nito, humingi narin ng paumanhin ang DepEd Manila para sa publication ng Grade 11 learning module na may titulong “Methods of Philosophizing Introduction to the Philosophy of the Human Person” noong September 2020, kung saan ang author nito ay pumanaw na sa parehong taon, dahil sa COVID-19.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Paliwanag ng Deped Manila, walang masamang intensyon ang publication ng naturang materyal.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

At bilang konsiderasyon lalo na’t ito ay lumabas sa panahon ng election period, at bilang bahagi rin umano ng kanilang agarang aksyon, inatasan na nila ang mga school heads na bawiin ang mga kopya ng naturang module mula sa mga learners, habang ang soft copy naman ay pinatanggal na sa online portal.