‘Roll out vaccination’ sa bayan ng Daraga sa Albay naging mabagal – MHO Daraga

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Municipal Health Office sa bayan ng Daraga sa lalawigan ng Albay  na naging mabagal  ngayon ang ‘roll out vaccination’ sa mga ‘priority group’ at ‘pediatric’.

 Ayon kay Dr Cesar Mata, Municipal Health Officer ng nasabing bayan, masyadong mababa pa ang porsyento ng pagbabakuna sa mga senior citizen at pediatric lalo’t ito’y nasa priority group upang mabigyan ng proteksyon ang mga ito laban sa Covid-19.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

 Aniya, karamihan umano sa mga ayaw magpabakuna ay dahil sa may mga ‘comorbidities’ ang mga bata kung saan kinakailangan na mayroong clearance ito sa kanilang pediatrician.

Dagdag pa rito, may mga magulang pa rin ang natatakot na bakunahan ang kanilang mga anak at mga bata na umiiyak pa bago gawin ang bakuna.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Samantala, may mga isinasa-ginagawa na rin  na paraan upang makapang-hikayat sa pagbabakuna at nagsasagawa na rin ito ng mobile vaccination o pagbisita sa mga barangay upang makapagsagawa ng nasabing pagpa-pabakuna.