4K covid protocol violators, naitala sa campaign season

Aabot sa higit 4,000 ang bilang ng mga lumabas sa minimum health standards ngayong campaign season.

Ayon kay PNP National Task Force Commander on Implementation of IATF Protocol Lt. Gen. Ferdinand Divina, mula April 1 – 4 – 4,083 violations ang naitala ng Kapulisan.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Kabilang na rito ang hindi pagsusuot ng face mask, pati na rin ang mass gatherings para naman sa mga lugar na nasa loob pa ng alert level 2.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Samantala, binabantayan din ng PNP ang mga pakulo sa campaign rallies kabilang na ang pagsayaw at pagkanta kung saan, nalilimutan na raw ang pagsunod sa health protocols.#//LGD

(DILG Photo)