30-anyos na lalaki, patay matapos sumalpok ang minamanehong tricycle sa isa pang tricycle sa Virac, Catanduanes

BNFM  BICOL—Dead on arrival ang isang motorista matapos na sumalpok ang minamaneho nitong tricycle sa isa pang tricycle sa Brgy. San Roque, bayan ng Virac, Catanduanes.

Batay sa ulat ng mga otoridad, kinilala ang biktimang si Mark F.Fernandez, 30-anyos, residente ng Brgy. Burgos bayan ng Viga.

Kwento ng mga nakasaksi sa insidente, galing umano sa Brgy. Danicop ang biktima at patungo sana sa Virac Town Center nang aksidente itong sumalpok sa isang nakaparadang tricycle sa harap ng DepEd Division Office.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Dahil sa lakas ng ‘impact’, sumemplang ang dala nitong behikulo at nadaganan pa ang biktima.

Nagtamo ng pinsala sa ulo ang rider, at naisugod pa naman sana ito sa Eastern Bicol Medical Center upang lapatan ng lunas, ngunit  idineklarang Dead on Arrival, ng sumuring doktor.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Samantala, nasa kustodiya ng Virac PNP ang mga sangkot na behikulo para sa karampatang disposisyon habang ipinaalala naman nito  sa mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho para maiwasan ang mga katulad na insidente.###