Catanduanes State University mag-aalok na ng kursong ‘Electronics and Communications Engineering’ sa susunod na academic year

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng pamunuan ng Catanduanes State University na mag-aalok na ng kursong Electronics and Communications Engineering o ECE ang naturang unibersidad ngayong Academic Year 2022-2023.

Sa pamamagitan ng Facebook post, sinabi ni CatSU President Dr. Patrick Alain Azanza  na maraming oportunidad at trabaho ang magbubukas para sa mga Catandunganon na makakapagtapos sa nasabing kurso.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Kaugnay nito, pinayuhan ng opisyal ang mga estudyante sa lalawigan na tu-tung-tong pa lamang sa Senior High School na kumuha ng Science, Technology, Engineering and Mathematics na strand upang magkaroon na ng advance na pag-aaral sa mga asignaturang may kaugnayan sa kursong ECE.

Read More:  12 youths hospitalized in Koronadal after eating poisonous tuba-tuba fruit

Matatandaang una nang inihayag ng pamunuan ng CatSU na kanilang isinusulong ang paglalagay ng mga karagdagan at bagong academic programs sa pinakamalaking unibersidad sa islang lalawigan.###