2 bagong kaso ng COVID-19 sa Bicol na pawang mula sa Camarines Sur, naitala kahapon

BNFM BICOL—Nakapagtala ng dalawang bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region kahapon araw ng Linggo.

Batay sa ulat ng Department of Health, ang dalawang bagong kaso ng sakit ay pawang nairehisto sa lalawigan ng Camarines Sur partikular sa bayan ng Goa at lungsod ng Naga.

Read More:  Five dead after van crashes into parked truck in Zamboanga del Sur

Bunsod nito, umakyat lamang sa 59,039 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung saan 622 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.

Read More:  DOST-backed community project begins in Himamaylan City

Samantala, nanatili rin sa 56,008 ang bilang ng mga gumaling o recoveries habang wala ring naidagdag sa bilang ng mga nasawi na sa ngayon ay umaabot na sa 2,409.###